Your cart

Mga Tanong Na Parating Tinatanong. (FAQs)


Kung nagmamadali kayo at gusto nyo na agad bumili online, paki click lang po dito - Please, bibili na ako.

1. Paano po ba makakabili ng mga products ng Diliman Republic?

2 ways po. Number 1 po ang "Old School-Back to School" way. Meron kaming tindahan sa UP Diliman mismo. Store #35 sa UP Shopping Center. Kung may oras kayo, maigi ding pumasyal sa Diliman. Bukod sa masusukat nyo at maaring bayaran ng cash, marami pang alalang babalik ng mga days mo sa Diliman.

And second way po, kung busy kayo or malayo kayo sa UP, ay to shop online. Click lang po sa DilimanRepublic.net

2. Ilang days naman ma-dedeliver kung sa online kami magshoshop?

Depende po kung nasaan kayo. Kung sa Metro Manila lang, mabilis. Eto ang proseso: If you order Day1, kukunin po yan ng courier ng Day2, malamang lamang eh Day 3 or 4, nasa inyo na.

Kung outside of MM naman, may dagdag na a few days yan.

3. Ano-ano ang mode of payment sa online?

Kung may Paypal acount ka, puede yun. Kung wala naman, ok lang, basta may credit card ka. No need for a Paypal account kung gusto mo derechong credit card lang ang gagamitin mo.

4. Hindi ba puedeng COD?

Matagal na pong sarado ang COD. Namimiss nga namin yung show nila tuwing Christmas. Ahhh, you mean Cash-on-Delivery?! Sa ngayon wala pa. Pero inaayos na namin na puede nga ang bayad eh kasabay na ng delivery. Kaliwaan ika nga.

5. Nagdedeliver ba kayo abroad?

HIndi pa. Pero pinag aaralan na kung puede. Ang mahal kasi. Parang lalabas na mahal pa shipping sa item..sure fire way to kill an online store.

6. Paano kung hindi pala kasya yung inorder ko? Puede po bang palitan?

Oo naman, hello. Hindi naman maganda kung magsuot kayo ng masikip o kaya naman eh ang luwag-luwag. Isoli lang please, basta hindi pa nagamit, basta intact pa ang mga labels. Papalitan natin ng size, kung wala naman ng size na angkop sayo, palitan natin ng ibang item. Kung wala ka naman ibang gusto, sige, masakit man sa loob namin, full refund po.